PARANGAL | RMN, pinarangalan sa 32nd Biennial National Convention at Humanitarian Media Award 2018 ng Philippine Red Cross

Manila, Philippines – Binigyang parangal ang Radio Mindanao Network (RMN) sa katatapos na awarding ceremony ng 32nd Biennial National Convention at Humanitarian Media Award 2018 ng Philippine Red Cross (PRC) sa Manila Hotel sa lungsod ng Maynila.

Ang RMN ay binigyan ng ‘humanitarian media award’ dahil sa patuloy na pagsuporta, at pagpapahayag sa publiko ng mga tugon at kailangan ng PRC para sa publiko.

Ayon kay PRC Chairman, Senador Richard Gordon – malaki ng ginagampanang tungkulin ng media sa pagpapakalat ng impormasyon lalo na tuwing may sakuna, upang maging katuwang nila sa pagkalap ng tulong sa mga nangagailangan.


Dagdag pa ni Gordon – marapat lamang na kilalanin ang lahat ng organisasyon, malaki man o maliit ang iniambag sa pagtulong sa mga nangangailangan, lalong lalo na sa pagdudugtong ng buhay.

Facebook Comments