Paratang ni Customs Commissioner Faeldon sa mga kongresista, minaliit ni Majority Leader Fariñas

Manila, Philippines – Minaliit ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang mga bintang ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon laban sa mga kongresista.

Sa paratang ni Faeldon, sinabi nitong may mga personal na interes ang mga kongresista partikular sa pangiimpluwensya sa promotions board ng BOC at sa pagpapababa ng babayarang buwis para sa mga negosyo.

Giit ni Fariñas, ini-i-spin o iniikot na lamang ni Faeldon ang isyu para maibaling ang atensyon sa 6.4 Billion na halaga ng iligal na droga na pinalusot ng Customs.


Dagdag pa ni Fariñas, wala namang mapapatunayan si Faeldon na ginagapang nila ang mga promotions sa BOC dahil mismong ang pakiusap ni Speaker Pantaleon Alvarez ay tinabla nila.

Bukod dito wala namang masama kung may ipakiusap at iginalang naman nila na hindi sila napagbigyan ng BOC.

Facebook Comments