Parehong prioritization sa pagpapabakuna ng AstraZeneca vaccines sa mga medical health workers, ipatutupad ng pamahalaan

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na kaparehong protocol din ang gagamitin sa pag-de-deliver ng anti- COVID-19 vaccine na AstraZeneca para sa mga medical health workers.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ang paunang shipment ng Sinovac vaccines at AstraZeneca ay laan talaga para sa mga medical frontliners.

Paliwanag pa nito, may order of arrival o hierarchy rin sa pag-de-deliver ng mga bakuna at lugar kung saan ito unang ipapadala.


Uunahin ang mga ospital dito sa Metro Manila, Cebu at Davao City na mataas ang kaso ng COVID-19 at isusunod ang ilang lugar sa bansa.

Kasunod nito, dahil pinayagan ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) ang mga medical frontliners na maging ‘choosy’ pagdating sa bakuna ay hindi mawawala ang kanilang slot sakaling ayaw nilang magpaturok ng Sinovac.

Pero paalala ni Roque, tanging mga medical frontliners lamang ang pinapayagan ng pamahalaan na mamili ng ituturok sa kanilang bakuna at hindi ng ibang sektor o grupo ng indibidwal.

Facebook Comments