Parent company ng Facebook, papalitan na ang pangalan bilang “Meta”

157

Inanunsiyo ni Facebook Chief Mark Zuckerberg na papalitan na ang pangalan ng kanilang parent company bilang “Meta”.

Pero sa kabila nito, mananatili ang pangalan ng social media giant bilang “Facebook”.

Sa page ng Facebook App, sinabi nilang hindi rin papalitan ang pangalan ng iba pang applications sa ilalim ng meta kagaya ng Instagram, Messenger at Whatsapp.


Ginawa ang Facebook noong 2004 sa Harvard University dorm room ni Zuckerberg at sa ngayon ay nasa halos tatlong bilyong katao ang gumagamit ng Facebook App kada buwan.

Facebook Comments