Matagumpay na isinagawa sa lungsod ng Dagupan ang isang aktibidad para sa mga magulang sa Lungsod.
Pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office ang seminar tungkol sa “Parent Effectiveness kung saan dinaluhan ito ng mga magulang ng mga day care pupils na nagmula pa sa Brgy. Mamalingling sa lungsod.
Sa aktibidad, ibinahagi ang Karapatan ng mga menor de edad na isinusulong sa buong bansa gaya na lamang ng pagkakaroon ng maayos na tahanan at sa pagkakaroon ng mapag-aruga, sapat na pagkain, malusog na pangangatawan, sapat na edukasyon, proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan; maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan at marami pang iba.
Samantala, layunin ng aktibidad na ito ay upang maisulong ang mga responsibilidad ng mga magulang sa pamamagitan ng pamamahagi ng edukasyon ukol sa kanilang Parenting knowledge and skills at kung ng aba ang magiging epekto nito sa kanilang mga anak.
Ipinatupad ang Parent Effectiveness seminar sa Day Care Service at Family Development Session para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) |ifmnews
Facebook Comments