Pari na nahuling kasama ang isang dalagitang ibinugaw sa kanya, nakapagpiyansa na

Manila, Philippines – Pansamantalang nakalaya ang pari na naaktuhang kasama ang isang 13-anyos na dalagitang ibinugaw ng isa ring menor de edad sa Marikina City.

Ayon kay Police Chief Inspector Melanie Redon, women and children’s protection desk ng Marikina City, nagbayad ng P120,000 piyansa para sa kasong anti trafficking in persons act si Lagarejos, dating parish priest ng Saint John the Baptist church sa Taytay, Rizal.

Bagaman tutol sa pagpapalaya kay Lagarejos, sinabi ng ina ng binugaw na dalagita na desidido siyang kasuhan ang pari sa kabila ng mga pananakot na kanilang natatanggap.


Sinabi rin ng ina ng biktima, na nitong Biyernes lang niya nalaman ang matagal nang pag-abuso sa anak ng pari.

Hinikayat naman ng social workers ang mga magulang na lumapit sa kanila kung may problema ang mga ito sa pakikipag-ugnayan sa kanilang mga menor de edad na anak.

Facebook Comments