Pari na nahuling may kasamang menor de edad sa motel sa Marikina, kinasuhan na sa DOJ

Manila, Philippines – Naghain ang Public Attorney’s Office at ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng kasong Qualified Trafficking in Persons sa Department of Justice laban sa pari na nahuling may kasamang menor de edad sa isang motel sa Marikina City.

Kasama rin ng PAO at VACC na nagtungo sa DOJ ang ina ng menor de edad na biktima.

Si Catholic priest Monsignor Arnel Lagarejos ay naaresto noong July 28, 2017 sa isang motel sa Sumulong hi-way kasama ang trese anyos na dalagita.


Sinasabing minolestiya din ng pari ang menor de edad.

Si Msgr. Lagarejos ay pangulo ng isang catholic school sa Marikina.

Ayon kay PAO Chief Atty. Percida Acosta, hihilingin din niya sa DOJ na maisailalim sa Witness Protection Program ang biktima at pamilya nito.

Facebook Comments