PARI na Person of Interest sa Jeraldyn Rapiñan Killing, Pinangalanan na sa Social Media at Ibang Radio Stations – Hindi sa RMN Naga – DWNX

Kaliwa-kanan na ngayong lumalabas sa social media ang pangalan ng umano’y pari na kasama sa person of interest kaugnay ng pagkamatay ni Jelradyn B. Rapiñan, 28, ng Brgy. San Jose, Baao, Camarines Sur.
Magugunitang si Jeraldyn ay natagpuang wala ng buhay sa gilid ng Maharlika High-Way sa Brgy. Del pilar, San Fernando, Camarines Sur noong umaga ng June 15, 2018. Walang identification papers na nakuha sa katawan ng biktima. Nailathala sa social media ang larawan ni Jeraldyn hanggang sa may nakakilala sa kanya at naipaabot sa kabatiran ng kanyang pamilya.
Napaulat din mula sa mga kamag-anak ng biktima na si Jeraldyn ay may karelasyong Pari at siya ngayon ay pinaniniwalaang isa sa mga persons of interest sa kasong ito.
Kasalukuyang pinagkakaabalahan na ng pulisya ng San Fernando at Baao, pati na rin ang pamunuan ng PNP Camarines Sur Provincial Office, ang imbestigasyon hinggil sa pangyayaring ito.
Sa kabila ng kaliwa’t-kanan na pagsabi ng pangalan ng di-umano’y person of interest sa social media at ibang himpilan ng radyo. HINDI ito ginawa at HINDI GAGAWIN ng radio station DWNX ang pagsasa-himpapawid ng sinumang pangalan na binabalitang person of interest kaugnay ng pangyayaring ito, MALIBAN KUNG ANG PAHAYAG AY GALING SA PULISYA at mga kinauukulan. HINDI PANGUNGUNAHAN NG RMN NAGA-DWNX ang PULISYA at mga KINAUUKULAN hinggil sa mga PAHAYAG tungkol sa ISYUNG ITO.

Facebook Comments