Pari sa Taytay, Rizal, natagpuang patay at may tama ng bala ng baril

Patay na nang matagpuan si Fr. Nomer Lozano de Lumen, ang parish priest ng St. John The Baptist Church sa Taytay, Rizal, kahapon ng hapon.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office, isang tawag ang natanggap ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station na may nakitang bangkay sa loob ng simbahan.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng PNP nakita ang nakahandusay na katawan ng pari sa kaniyang kuwarto at may tama ng bala sa kaniyang baba.


Sa imbestigasyon, nabanggit ng isa sa mga kasama ng pari na may pinagdadaanan itong problema sa pamilya.

Nakuha sa crime scene ang isang baril at mga bala.

Facebook Comments