Hawak na ng Senado ang Paris Agreement on on Climate Change na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay personal na iniabot ni Senior Deputy Executive Secretary Meynard Guevarra kay Senator Loren Legarda, na siyang Chairperson ng Senate Committee on Climate Change.
Kaugnay nito ay nagpasalamat si Legarda kay Pangulong Duterte sa pagratipika sa Paris Agreement.
Mahalaga aniya ito para sa ating bansa at sa mga Pilipino na palagiang biktima ng mga kalamidad na dulot ng climate change.
Positibo naman si Legarda na makakamit agad ng Paris Agreement ang concurrence ng senado sa pamamagitan ng two-thirds votes mula sa mga senador.
Sabi ni Legarda, sa pamamagitan ng Paris Agreement ay magkakaroon ng access ang Pilipinas sa Green Climate Fund na makakatulong sa mga programa ng bansa kaugnay sa climate change.