Paris Climate Agreement, epektibo na ngayong araw kasabay ng paggunita sa Earth Day

Manila, Philippines – Epektibo na ngayong araw, April 22 ang Paris Climate Agreement kasabay ng paggunita sa Earth Day.

Ito ang inihayag ni Senador Loren Legarda sa Climate Reality Leadership Awards ngayong araw.

Ayon kay Legarda, hindi naging madali ang daan patungo sa ratipikasyon nito pero mas malaking hamon aniya ang matiyak na maikakasa ito sa bansa.


Isa aniya sa malalaking epekto ng naturang kasunduan ay hindi na lamang tatayo bilang observer ang Pilipinas sa mga susunod na meeting ng mga partido sa Paris Agreement.

March 23, 2017 nang ipinasa ng Philippine Mission to the United Nations ang instrument of accession sa UN treaty section na kailangang maging epektibo pagkatapos ng 30 araw.
Nation

Facebook Comments