PARKING BOY NA MAY EPILEPSY, NALUNOD SA ILOG SA LINGAYEN

Isang 21 anyos na lalaki na may sakit na epilepsy ang nalunod sa San Jose River Brgy. Libsong , Lingayen Pangasinan.
Kinilala ng pulisya ang nalunod na si Marvin De La Cruz, isang parking boy/barker at residente ng brgy. Pangapisan North sa bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, mag-isa umano itong naligo nang aksidenteng malunod. Naisugod pa ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa kaanak nito, dumaranas si Marvin ng sakit na epilepsy. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na madalas itong maligo sa nasabing ilog kung saan noong nakaraang buwan ay muntik na rin itong malunod ngunit isinalba ng kaniyang pamilya.
Inihayag din ng LDRRMO, na narescue si Marvin ng kanilang kagawaran matapos atakihin ng kaniyang sakit.
Hiniling ng pulisya ang post mortem examination upang malaman ang sanhi ng kaniyang pagkamatay. |ifmnews
Facebook Comments