TASKFORCE BANTAY ILOG NG DAGUPAN CITY, NAKAPAGSILBI NA NG 42 NOTICE OFVIOLATION AND DEMOLITION SA MGA NAGMAMAY-ARI NG OVERSIZED/ILLEGAL FISHPENS

Umabot na sa 42 na notice of violation and demolition ang naisilbi ng Task Force Bantay Ilog ng Dagupan sa mga nagmamay-ari ng oversized/illegal fish pens ayon sa City Agriculture Office.
Karagdagang tatlong notice ang ipinalabas upang ihatid sa owners/operators mula sa Sitio Talaib Brgy. Calmay noong Biyernes.
Panawagan ng Task Force natulungang maproteksyunan ang likas na yaman at ang ipinagmamalaking produkto na Bangus.

Base sa datos ng City Agriculture Office, 27 oversized/illegal fishpen ang na demolish ng pinagsamang pwersa ng task force simula November 11- December 09, 2022. |ifmnews
Facebook Comments