Target ng Department of Transportation (DOTr) na simulan sa Disyembre ang partial operation ng Metro Rail Transit line 7 o MRT-7.
Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy Batan, nasa 65 porsiyento na ang progress rate ng P68.2 bilyong MRT-7 project na inaasahang sa susunod na taon ay fully operational na.
Tatakbo ang MRT-7 mula North Avenue, Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan.
Naniniwala si Batan na malaking tulong ang proyekto sa pagpapabilis ng biyahe dahil mula sa dating dalawang oras ay aabot na lamang ng 30 minutes mula QC hanggang Bulacan.
Nasa 300,000 pasahero kada araw sa unang taon ang inaasahan ng DOTr na pagsisilbihan ng MRT-7.
Matatandaang noongDisyembre 2021, nasa anim na train sets, na mayroong 18-train cars ang nai-deliver sa bansa.