COMELEC, walang naitalang aberya sa nagpapatuloy na special elections sa Lanao del Sur

41

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na wala silang namo-monitor na anu mang problema sa idinadaos na special elections sa Tubaran, Lanao del Sur.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, maayos na nagbukas ang lahat ng 15 clustered precincts
sa 12 barangays sa Tubaran at walang naitala na kahit isang glitch.

Eksaktong alas-6:00 aniya kaninang umaga nang magsimula ang botohan sa Barangays Malaganding at Metadicop.


Habang ang ibang presinto ay sunud-sunod din na nagbukas ng pasado alas-6:00 ng umaga.

Bunga nito, bukas, dakong alas-3:00 ng hapon ay ipagpapatuloy na muli ng National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing para sa party-list groups.

Facebook Comments