Partial Release ng Motor Vehicle Plates, sisimulan ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ng Land Transportation Office (LTO) ang Partial Release ng mga Motor Vehicle License Plate.

Ayon sa lto, ang partial delivery ng mga plaka ay para sa mga sasakyang nakarehistro mula Enero hanggang Hunyo 2016.

Ang mga may-ari ng sasakyan ay pwedeng tingnan sa website ng lto www.lto.net.ph kung ang kanilang plaka ay available na.


Pwede ring sumadya sa kanilang mga Car Dealers para alamin ang availability ng kanilang plaka.

Nitong Marso, bumili ang LTO ng License Plate making robot upang maresolba ang walong milyong backlog bunsod ng 2014 Notice of Disallowance na inisyu ng Commission on Audit.

Ang kautusan laban sa paglalabas ng 700,000 plaka ay ipinawalang Bise ng Korte Suprema nitong Enero.

Facebook Comments