Posibleng maglabas ng partial result ngayong Linggo ang Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa nagpapatuloy na pagdinig ng Bureau of Corrections (BuCor) ukol sa kontrobersiyal na paglalabas ng mga inmates sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Committee Chairperson Richard Gordon, maaring matanggap din ngayong Linggo ng Komite mula sa National Bureau of Investigation (NBI) ang detalye ukol sa naburang text messages at call logs mula sa Mobile Phone ng dalawang BuCor Officials.
Dito malalaman kung sinu-sino ang mga opisyal ang nakinabang sa ‘GCTA for sale.’
Ang pagdinig ay inaasahang itutuloy sa Huwebes habang ang Joint Technical Working Group ng dalawang panel na kinabibilangan ng Committee on Constitutional Amendments, and Revision of Codes, at Finance Committee ay nakatakdang mag-convene ngayong araw para i-consolidate ang mga panukalang mag-aamyenda sa Republic Act 10592 o GCTA Law.