Partido Reporma Presidential Candidate Sen. Ping Lacson’s Opening Statement at Panata sa Bayan: the KBP Presidential Candidates’ Forum

Sa aking mga kapwa Pilipino:

Isa sa mga natutuhan ko sa loob ng kalahating siglong serbisyo-publiko bilang sundalo, pulis, at mambabatas ay ang kasabihang ‘huwag sasabak sa giyera nang hindi handa.’

Bilang kandidato ninyo sa pagka-Pangulo, maliwanag sa aking isipan ang ating mga kalaban: pandemya, kahirapan, kawalan ng trabaho, napakalaking utang, gutom, hamon sa edukasyon; at ang pinakamasakit – ang talamak na pagnanakaw o pag-aksaya ng pera ng bayan mula pa sa panahon ng gintong orinola noong mga 1950’s.


Let me share with you the unfortunate reality: Lahat tayo takot manakawan, ngunit tuwing eleksyon naman, may binoboto tayong mga magnanakaw.

For the longest time, we have witnessed how corruption, the worst form of thievery, destroys our nation — denying our people their livelihood, health, education, equal opportunity, and worst, the future of our next generation.

Kung kukwentahin, halos pitong daang bilyong piso ang nawawala sa korapsyon kada taon – at nauuwi sa bulsa ng iilang ganid na nasa kapangyarihan. Taon-taon, nawawalan ng halaga ang bawat pisong mula sa buwis ng mga Pilipino; nawawalan tuloy ng saysay ang bawat boto.

Isang maaasahan at mapagkakatiwalaan na pamahalaan – this is my vow to our people. Sa loob ng unang isang daang araw, sisimulan ko ang internal cleansing laban sa mga ICUs – o mga Inept, Corrupt, at Undisciplined government officials and employees.

Our arsenal is a science-based, data-driven, and future-proof platform that can withstand the test of time. My mission is clear: “Aayusin ang gobyerno upang maging maayos ang buhay ng bawat Pilipino.”

Sa maayos na gobyerno, may pondo para maitaas ang kalidad ng pangangalaga sa kalusugan. Makaka-siguro tayo sa P260-billion full investment ng Universal Healthcare Act. As we transition from COVID-19 pandemic to “endemic”, our foundation will be quality, accessible and affordable healthcare: target na 1 hospital bed per 800 population, dagdag benepisyo sa lahat ng healthcare workers at health stations sa bawat barangay.

Sa maayos na gobyerno, magbabalik-sigla ang ekonomiya. Gagabayan at bubuhusan natin ng suporta ang mga micro, small, medium enterprises o MSMEs sa pamamagitan ng Comprehensive and Targeted Fiscal Stimulus Packages. Itataguyod ko ang Reformed 4Ps hindi lamang para itawid kundi para iahon sa kahirapan ang buhay ng ating mga mamamayan. Ang kaakibat ng ayuda mula sa gobyerno ay disenteng hanapbuhay.

Sa maayos na gobyerno, bida ang sektor ng agrikultura. Uunahin natin ang pagbibigay ng binhi, pataba, patubig, makinarya at pasilidad upang palakasin ang productivity ng ating mga food providers. Uunti-untiin natin hanggang tuluyang magwakas ang ‘importation-dependent mentality’ na pumapatay sa ating local agricultural sector.

Sa maayos na gobyerno, prayoridad ang kalidad at access sa edukasyon. May paaralan sa lahat ng geographically-isolated, disadvantaged at conflict-affected areas;  may pagkakataon para sa ating mga senior high school students na kumita ng monthly allowance mula sa government internship program, at mas maraming mga estudyante ang siguradong makakatuloy at makakapagtapos ng kolehiyo.

Sa maayos na gobyerno, maisusulong ang makabuluhang Budget Reform upang maibaba para sa pagpapaunlad ng mga kanayunan ang pondong sobra-sobra at hindi nagagamit ng mga ahensya ng gobyerno na umaabot sa mahigit tatlong-daan bilyong piso (P300B) taun-taon. Marangal na trabaho at patas na oportunidad para sa lahat, malapit o malayo man sa Kamaynilaan.

Sa madaling sabi: Tataya tayo sa ating mga programa na tinitiyak kong may konkretong direksyon, plano, at pondo — makatotohanan at napag-aralan, hindi puro kwentuhan at bolahan.

Sa ilalim ng administrasyong Lacson, walang korapsyon — malinis at tapat ang gobyerno.

Facebook Comments