Partidong Dilaw, Traidor Daw

Tuguegarao City, Cagayan – Traidor daw ang Partido Liberal.

Ito ang tinuran ng dating pinuno ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) ng administrasyong Aquino na si Dr. Manuel Mamba na ngayon ay halal na gobernador sa lalawigan ng Cagayan.

Siya din ay dating regional chairman ng Liberal Party sa Cagayan Valley Region.


Ang kanyang pahayag ay sa okasyon ng kanyang panunumpa bilang bagong kasapi ng PDP-Laban na ginanap sa sa kanyang bayan sa Tuao, Cagayan noong Nobyembre 18, 2017.

Ang panunumpa niya bilang bagong kasapi ng partido at pagtalikod niya sa Liberal Party ay sinaksihan ni dating SBMA Chairman Martin Diño at mga ilang political personalities ng Cagayan.

Ang panunumpa ay tinutukan ng maraming media sa lalawigan at napag-uusapan din sa mga ibat ibang outlets at social media na nakabase sa Cagayan.

Sa kanyang pananalita sa naturang okasyon ay kanyang ipinahayag na hindi raw niya nakita ang inaasahan niyang mangyayari sa Cagyan sa ilalim ng Liberal Party.

Kanya ring binanggit ang pagtraidor ng Partidong Liberal sa kanya noong nakalipas na halalan at idinagdag pa na makakatanggap ng zero na boto sa kanyang bayan si 2016 presidential candidate Mar Roxas kapag tatakbo itong senador sa 2019.

Si President Duterte daw ang nakita niyang nakapaghatid ng nais niyang mangyari sa lalawigan at umaayon din ang kampanya ng presidente laban sa corruption, illegal na sugal at droga sa kanyang mga adbokasiya.

Magpagayunpaman, sa likod ng paanunsiyo ng Information Office ng Cagayan na siya ay nanumpa bilang panlalawigang pinuno ng PDP-Laban ay nilinaw ng partido sa pamamagitan ng panayam ng lokal na pahayagang Northern Furom kay dating Gamu, Isabela Mayor Fernando Cumigad na siya ay sumapi bilang kasapi lamang at kailangan pa ang proseso upang ganap siyang maging opisyal ng PDP-Laban.

Facebook Comments