INCUMBENT SK CHAIRMAN NG ROSALES, KALABOSO DAHIL SA PAGTUTULAK NG ILIGAL NA DROGA

51

ROSALES, PANGASINAN – Kalaboso ang isang incumbent SK Chairman ng Carmen East, Rosales na matagal ng pinaghahanap ng pulisya ng bayan dahil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Ang SK Chairman na nakilalang si Prince Cyrus Concepcion, bente uno anyos at kasalukuyang SK Chairman ng nabanggit na lugar at maituturing na Top 2 Most Wanted Person ito ng pulisya sa bayan ng Rosales.


Hinuli ito ng Rosales PNP kasama ang Intelligence Unit ng Pangasinan PPO sa bisa na din ng warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Ang kaso nito ay wala namang piyansang inirekomenda ang korte sa kanyang pagbibenta ng iligal na droga at pinagbabayad naman ng dalawang daang libong piso (P 200,000) na piyansa para sa kasong Illegal Possession of Dangerous Drugs.

Facebook Comments