MANILA – Plano ng gobyerno na palawakin ang partisipasyon ng mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas.Sa pinakahuling foreign investment negative list, nalilimitahan ang pagmamay-ari ng mga banyaga sa mga telecommunication companies at eskwelahan sa 40% habang ipinagbabawalan naman silang magmay-ari ng media at retail companies.Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, gagawing prayoridad ng administrasyong Duterte ang mga nasabing sektor.Sinabi naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno, walang dapat ikabahala ang mga lokal na kumpanya sa pagpasok ng mga foreign investors.Para kay American Chamber of Commerce Senior Adviser John Forbes, ang pagpasok ng mas maraming foreign investors ay mabuti rin para sa mga consumer.Inaasahang magpapasok ang mga ito ng malaking kapital, bagong teknolohiya, at mas maayos na serbisyo at presyo.
Partisipasyon Ng Mga Foreign Investors Sa Bansa, Palalawakin Pa Ayon Sa Department Of Finance
Facebook Comments