Zero Crime Rate, Naitala Sa Metro Manila

5

MANILA – Tulad ng inaasahan, naitala ang “zero crime rate” sa buong Metro Manila sa naging laban nina Manny “Pacman” Pacquiao at ni Jessie Vargas.Ayon kay National Capital Region Police Office Director Chief Supt. Oscar Albayalde, walang naitalang krimen ang kanilang tanggapan pag­pasok pa lamang ng unang laban na ginanap sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada simula alas-10:00 ng umaga hanggang ala-1 kahapon ng hapon.Kasabay nito, nagpaabot naman ng pagbati si Albayalde sa pambansang kamao.Aniya, ang pagkakapanalo ni Pacman ay isang karangalan at tagumpay para sa Pilipinas.Samantala … naging maluwag rin ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila tulad sa Taft Avenue, Espanya at Roxas Boulevard.

Facebook Comments