Partisipasyon ng Pilipinas sa WHO Solidarity Vaccine Trial, tiniyak ng DOST at DOH

Tiniyak ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Health (DOH) na popondohan at susuportahan nila ang partisipasyon ng Pilipinas sa Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) para sa pag-develop ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Science Undersecretary for Research and Development Rowena Guevarra, mayroon silang close collaboration sa WHO para mapaigting ang kanilang paghahanda sa Solidarity Vaccine Trial.

Kabilang sa mga paghahanda ay ang pagtukoy ng trial sites sa bansa.


Patuloy ring mino-monitor ang ilang vaccine candidates sa tulong ng Vaccine Expert Panel.

Titiyakin sa Solidarity Trial ang pagkakaroon ng mahusay at maaasahang evaluation para sa bisa at ligtas na paggamit ng mga candidate na SARS-CoV-2 vaccines na kasalukuyang dine-develop sa iba’t ibang panig ng mundo.

Higit 100 bansa ang naghayag ng interes na lumahok sa vaccine trial.

Facebook Comments