Partnership ng mga universities at colleges sa Pilipinas at sa abroad, pasado na

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8682 o ang Transnational Higher Education Act.

Sa ilalim ng batas, papalawigin ang access ng bansa para sa quality higher degree programs ng mga foreign universities upang maitaas ang standard ng edukasyon sa Pilipinas.

Papayagan ang mga local universities sa Pilipinas na makipag-collaborate sa mga top foreign universities kaakibat ang mga standards para sa partnerships, arrangements at commercial operations.


Bukod dito, maaari ding magpatakbo ng mga programa ang mga unibersidad at kolehiyo dito sa Pilipinas sa mga campuses o paaralan sa ibang bansa.

Naniniwala si Kabayan Representative Ron Salo na makakatulong ang mga ganitong partnerships at arrangements ng mga higher education institutions (HEIs) sa mga magagaling na unibersidad at kolehiyo sa abroad upang maitaas ang ranking ng Pilipinas sa World University rankings.

Facebook Comments