PARTY DRUGS | Mag-amang Russian national, arestado sa iligal na droga sa Pampanga

Pampanga – Arestado ang mag-amang Russian national sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Malabanias, Angeles City, Pampanga.

Nakilala ang mga suspek na sina Vladislav Rozhdestvensky, 64-anyos at anak na si Boris, 23-anyos na mga residente ng Dau, Mabalacat City.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon, ang mag-ama ang siyang source ng iba’t-ibang uri ng iligal na droga kabilang na dito ang mga party drugs.


Nabatid na ikinasa ang nasabing operasyon sa mag-ama sa Fields Avenue kung saan matapos makabili ang poseur buyer ay agad silang pinalibutan ng mga otoridad saka inaresto.

Facebook Comments