PARTY DRUGS | Mga illegal na droga nakumpiska sa isang bar sa Makati

121

Makati City – Sinalakay ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang Times Bar sa Makati City.

Sa inisyal na impormasyon mula kay SPD Chief Police Chief Superintendent Tomas Apolinario nakarekober sila ng ilang piraso ng umano ay ecstacy, cocaine at iba pang drug paraphernalia.

Sa ngayon tuloy pa ang paggalugad sa naturang bar.

Sinabi pa ni Apolinario na inimbitahan nila sa presinto ang nasa 125 tao kabilang na ang ilang foreign, local guests at mga empleyado ng bar para sa ilang katanungan.

Umaabot naman sa 31 empleyado ng bar kabilang na ang ilang waiters at bouncers na umano ay drug suppliers & distributors ang inaresto ng mga otoridad.

Facebook Comments