PARTY NA! | Dagupan City, Ready na Magsaya sa Bangusan Street Party!

Mula kaninang 5:30 A.M. hanggang madaling-araw kinabukasan ay mananatiling sarado ang De Venecia Road na matatandaang dinaraanan ng mga heavy vehicles gaya ng mga truck na siyang naging dahilan kaya’t ramdam na ang moderate to heavy na daloy ng trapiko mula sa Tapuac hanggang Lucao District, Dagupan.

Sa kabilang banda, umaga pa lang ay all set na ang mga stages at canopies para sa street party mamayang hapon hanggang gabi.

Ayon sa City Tourism Office Executive Consultant, Mr. Epi Rafanan, humigit kumulang 1000 ang bumili ng grills at nagdaragdag pa sila sa kasalukuyan para sa mga gusto pang makisali sa Kalutan ed Dalan kung saan 13,425 estimated na piraso ng bangus ang iihawin at lalantakan.


Inaasahan na dadagsain ang kasiyahang magaganap mamayang gabi dahil sa jam-packed at star-studded na pagdiriwang ng Bangusan Street Party. Ilan sa mga magtatanghal ay ang Ex-Battalion, Parokya ni Edgar, Spongecola, Banda ni Kleggy, December Avenue at ang mga solo artists na sina Moira, Bamboo, at marami pang iba.

Todo handa naman ang Philippine National Police (PNP) Dagupan na pinangungunahan ni PSupt. Jandale I. Sulit, na kanila ring OIC sa pagbabantay ng seguridad ng mga magsisipagdalo sa selebrasyon mamayang gabi.
Ulat ni Melody Dawn C. Valenton

Facebook Comments