Partylist coalition, nagpupulong na para sa pipiliing susunod na speaker of the house

Nag-uusap-usap na ang Partylist Coalition sa Kamara sa kung sino ang susuportahang susunod na House Speaker ng 18th Congress.

 

Bagama’t maaga pa para malaman kung sino ang susunod na Speaker, inamin naman ng lider ng Partylist Coalition na si SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta na naglalatag na sila ng kwalipikasyon ng susuportahang lider ng Kamara.

 

Ayon sa mambabatas, mahalaga na ang mapiling Speaker ng Mababang Kapulungan ay karapat-dapat sa posisyon.


 

Kailangan aniya ng bagong lider na magtatrabaho “round the clock” upang matiyak na maipapasa ang mga priority bills ng Pangulo.

 

Nais ng coalition na sana ay kasing-sipag ni Speaker Gloria Arroyo ang papalit na Speaker pero aminado ang mambabatas na mahirap tapatan ang kasipagan ng dating Presidente lalo na pagdating sa pagpapasa ng batas.

Facebook Comments