Partylist solon, umapela sa COMELEC na gawing patas ang ballot layout, paglalagay ng polling precincts sa mga ospital at facilities, isinusulong din

Umaapela si Deputy Speaker Bernadette Herrera na ayusin ng Commission on Elections (COMELEC) ang layout ng balota sa susunod na eleksyon para maging patas sa mga partylists groups.

Giit ng kongresista, hindi na dapat maulit ang nangyari sa mga nakaraang eleksyon kung saan nakaligtaan ng mga botante na bumoto ng nais na partylist group.

Ang mga partylist kasi ay nakalagay sa ilalim o pagkatapos ng local positions at dahil dito ay inakala ng mga botante na tapos na sila sa pagboto.


Kung hindi aniya ito maaayos ay maituturing itong disenfranchisement dahil bigo ang mga botante na makapili ng partylist na kanilang iboboto.

Samantala, suportado rin ng lady solon ang mungkahi na magtalaga ng polling precincts sa mga ospital, isolation centers at temporary care facilities.

Ito aniya ay upang matiyak na makakaboto pa rin ang mga indibidwal kahit na naka-confine o naka-quarantine dahil sa sakit na COVID-19.

Facebook Comments