Parusa para sa kasong perjury o pagsisinungaling, nais pabigatin ni Senator Lacson

Manila, Philippines-Gusto ni Senator Panfilo Lacson na lalo pang pabigatin ang parusa sa mga kaso ng perjury o pagsisinungaling maging sa dokumento o sa actual public statement.

 

Ayon kay Lacson, ganito rin ang sentimiyento ng senado dahil sa dumaraming nagsisinungaling sa mga pagdinig ng kongreso.

 

Matatandaan kasing napakababa ng parusa kung saan hindi man lang aabot sa anim na taong pagkakakulong ang parusa para dito at masyado ring maliit ang multa para dito.

 

Kabilang sa pinatutungkulan ni lacson ang tuwirang pag-amin ni dating SPO3 Arthur Lascañas na nagsinungaling siya sa pagtestigo noong Oktubre 3, 2016.

 

Magugunitang unang inabswelto ni Lascañas sa mga kaso ng pagpatay si Pangulong Rodrigo Duterte, pero ngayon ay inaakusahan na niya ito na responsable sa mga patayan sa Davao sa pamamagitan ng Davao Death Squad.

Facebook Comments