Pinangangambahang maharap sa “strict administrative sanctions” ang pitong pulis na inaresto dahil sa indiscriminate firing ng kanilang baril sa nakalipas na holiday season.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, tiniyak nito na ipapatupad ang batas sa mga “trigger-happy gun owners” na ito.
Pero, siniguro ng PNP chief na dadaan naman ang mga ito sa due process.
Nabatid na ang mga pulis ay kabilang sa 23 indibidwal na inaresto dahil sa illegal discharge ng baril noong Christmas hanggang New Year mula Disyembre 16, 2018 hanggang Enero 1, 2019.
Facebook Comments