Parusa sa grupo ni Supt. Marcos, hindi pa naipapataw

Manila, Philippines – Hindi pa naipapatupad ng Directorate for Personnel Records Management o DPRM ang parusa ng grupo ni Supt. Marvin Marcos kaugnay sa pagkakasangkot ng mga ito sa pagpatay kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay DPRM Head Police Director Rene Aspera naghain ng motion for reconsideration ang mga pulis na ito para maipahayag ang kanilang panig.

Dahil ditto, hindi pa nasususpendi at nadi-demote ang grupo ni Supt. Marcos batay na rin sa rekomendasyon ng PNP-IAS na aprubado ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.


Naibalik lamang umano sa trabaho ang mga ito, matapos na magdesisyon ang korte na ibaba sa homicide mula sa murder ng kanilang kasong kriminal.

At ngayong nasa hurisdiksyon na sila ng PNP, nasa PNP na kung saan sila itatalagang unit habang patuloy na gumugulong ang kasong administratibo at kriminal.

Facebook Comments