ICAD Foundation at Pacific Dialogue Foundation Inc., itinangging terorista sila

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Integrative Center for Alternative Development Foundation Inc. (ICAD) at Pacific Dialogue Foundation Inc. na isali sila sa tangkang kudeta sa Turkey noong 2016.

Ito’y matapos silang akusahan ni Turkish Ambassador to the Philippines Esra Cankour bilang mga terorista na layong pabagsakin si Turkish President Tayyip Erdogan.

Ayon sa mga nasabing organisasyon, hindi sila konektado sa anumang teroristang grupo at wala silang kinalaman sa mga nangyayaring terror attacks.


Nabatid na ipinahayag ng Turkish Ambassador na may mga kaalyado ang Fetullah Gulen Movement ang nasa Pilipinas na siyang bineberipika pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Facebook Comments