Parusa sa mga magbebenta ng karne ng patay o may sakit na hayop, isinulong sa Kamara

Inihain ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang House Bill 7655 o panukalang mag-aamyenda sa Meat Inspection Code of the Philippines o Republic Act 9296.

Ito ay para maipakong ng isa hanggang dalawang taong at pagmultahin P50,000 hanggang P500,000 ang sinumang magbebenta ng bocha o karne ng patay o may sakit na hayop.

Para kay Rodriguez, masyadong mababa ang kasalukuyang parusa mga nagbebenta ng bocha na pagkumpiska sa produkto at multa.


Kung ang lalabag ay isang kompanya, ang parusa ay ipapataw sa pangulo, chairperson, chief executive officer, o top officer ng kompanya at otomatiko ring kakanselahin ang lisensya o permit nito sa pagnenegosyo.

Facebook Comments