Imbestigasyon ukol sa isyu ng hoarding ng sibuyas, ipagpapatuloy ng Kamara

Nakatakdang magpatuloy sa May 11 ang pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ukol sa price at supply manipulation ng sibuyas.

Ayon kay Committee Chairman at Quezon Representative Mark Enverga, pinagsabihan na nilang humarap ang mga resource person na hindi dumalo noon.

Banta ni Enverga, kanilang ipapa-contempt kung walang valid na dahilan ang hindi nila pagsipot sa muling pagdinig ng Komite.


Magugunitang sa pagdinig ng komite bago Holy Week break ng Kongreso, ay hindi halos nakadalo ang halos lahat ng imbitadong resource person kabilang ang sinasabing ‘Sibuyas Queen’ na si Leah Cruz.

Facebook Comments