Pinahihigpitan ni Senator Christopher “Bong” Go ang parusa laban sa mga mangaabuso at mananamantala sa mga kabataan.
Sa ilalim ng Senate Bill 1188 ay pinaaamyendahan ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act o ang Republic Act 7610 na layong mapaigting ang proteksyon sa mga kabataan.
Partikular na pinaparebisa ang parusa sa mga kriminal na masasangkot sa sexual activity sa mga menor de edad na dose anyos pababa.
Sa panukalang amyenda ay pinatataasan sa habambuhay na pagkakabilanggo mula sa kasalukuyang 12 hanggang 20 taon lang na pagkakakulong ang mga lalabag sa batas.
Tinukoy ng senador na kung sa mga kriminal na sangkot sa sexual abuse sa mga kabataang edad 12 hanggang 18 taong gulang ay may katapat na parusa na reclusion temporal sa medium period hanggang reclusion perpetua, hindi hamak na mas maghigpit din ang parusa laban sa mga kriminal na ang mga biktima ay mas bata pa sa 12 taong gulang.