Hindi na ipapatupad ng Philippine National Police Internal Affairs Service ang i-pinataw na 59 days suspension kay Police Lt Joven De Guzman.
Ito ang kinumpirma ni PNP Officer In Charge Lt Gen Archie Gamboa matapos na makipag pulong kay PNP IAS Inspector Gen Alfegar Triambulo nitong nakalipas na Linggo.
Si De Guzman ang team leader ng pitong pulis na umanoy sangkot sa maanomalyang drug operation nitong May 2019 sa Antipolo kung saan tinaniman umano nila ng ebidensya ang mga biktima.
Kasama rin si De guzman sa maanomalyang 2013 Pampanga drug operation na i-niuugnay sa nag-bitiw na si PNP Chief Oscar Albayalde.
Una nang napatawan ng dismissal from service ang anim na kasama ni De guzman habang si de guzman ay 59 days suspension lamang na i-pinagtataka ni Gamboa.
Sinabi ni Gamboa binibigyan nila ng isang linggo si De Guzman para mag-paliwanag sa kinasa-sangkutan nitong anomalya.