Parusang ipapataw sa Uber Philippines, pinag-aaralan na

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng (LTFRB) kung may nagawang violation ang Uber Philippines

Kaugnayan sa kabiguang i-disclose ang kanilang surcharge scheme.

Napag-alaman kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, obligasyon ng Uber na ipagbigay alam sa tanggapan ang kanilang fare structure.


Sinabi pa ni Delgra, na dahil sa hindi pagsunod ng Uber, posibleng maapektuhan na naman ang kanilang operation.

Pero hindi nilinaw ng LTFRB Chief na magpapataw sila ng parusa, tulad ng suspensyon o kanselasyon ng Uber accreditation.

Bagamat walang malinaw anya na regulasyon na nagbabawal sa Uber na magpatupad ng surcharge scheme.

Binigyan diin ni Delgra na malinaw sa Memorandum Cicular ‎2015-015 na obligasyon ng TNCs na ipagbigay-alam sa LTFRB ang fare structure ng mga ito.

Nauna nang inamin ng mga kinatawan ng uber na mayroong ipinapataw na P60, P80,
P100 na surcharge o depende sa destinasyon ng commuter.

Matatandaang, tinanggal ng LTFRB ang isang buwang pinataw na suspensyon sa Uber Philippines, matapos magbayad ng 190 milyong piso.

Facebook Comments