Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Department of Foreign Affairs na hindi pa pinal ang naging desisyon ng Court of Appeal ng Putrajaya, Malaysia sa siyam na pinoy na sangkot sa Lahad Datu siege noong 2013.
Sa statement ng DFA – sinabi na diringgin pa ng federal court of Malaysia ang naging desisyon ng Court of Appeal.
Patuloy din aniya na ipagkakaloob ng pamahalaan ng Pilipinas ang tulong sa mga nahatulang pinoy.
Iginiit din ng kagawaran na simula nang mag-umpisa ang kaso ay ibinigay nila ang lahat ng tulong legal sa mga akusado.
Sa nasabing desisyon pinagtibay ng Court of Appeal ng Malaysia ang naunang desisyon ng high court na nagpapawalang sala sa 13 mga pinoy na nakasuhan sa iba’t ibang krimen na may kaugnayan sa treason at terorismo.
Pero, pinagtibay din ang desisyon na naghahatol sa siyam na Filipino na sangkot sa Lahad Datu siege.
At sa halip na habambuhay na pagkakabilanggo ay ginawa pang kamatayan ang parusa sa kanila.
DZXL558