Pasa Small Reservoir Irrigation Project sa City of Ilagan Isabela, Pinasinayaan Ngayong Araw!

City of Ilagan, Isabela – Pormal na binuksan ngayong araw ang Pasa Small Reservoir Irrigation Project ng National Irrigation Administration o NIA, Korean International Cooperation Agency o KOICA, LGU Ilagan at Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Romy Santos, ang Media Consultant ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na ang nasabing proyekto ay isa sa pangunahing pinagtuunan ng pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na makakapagpatubig sa 619 na magsasaka sa lungsod ng Ilagan na pakikinabangan din ng lalawigan kung saan ay madaragdagan ang produksyon ng palay.

Sinabi pa ni ginoong Santos na pinundohan ng Korean International Cooperation Agency o KOICA ang Pasa Dam na may kaakibat ding pondo mula sa pamahalaan.


Ang KOICA ay isang ahensya ng mayamang bansa na tumutulong sa mga kaibigang bansa na umuunlad upang makapagpatayo ng mga proyekto tulad ng mga water impounding facilities para maibsan ang epekto ng climate change at masustentuhan ang mga pananim ng mga magsasaka.

Samantala ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni Excellency Ambassador Han Dong-Man ng bansang Korea, City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz, Governor Faustino “Bojie” Dy III, Vice Governor Tonypet Albano, Congresman Rodito Albano, ilang mataas na opisyal ng NIA at iba pang ahensya ng gobyerno.


Facebook Comments