PASABOG: Mark Bautista, ibinunyag ang ‘intimate’ relationship sa kaibigang aktor?

Usap-usapan ngayon sa showbiz ang singer-actor na si Mark Bautista dahil sa kanyang pag-amin ng “bromance” nila ng isang lalaking kaibigan. Ginawa ng 33 year-old performer ang rebelasyon sa kanyang autobiography book na Beyond The Mark na malapit nang ilabas. Sa nasabing libro ay isiniwalat raw ni Mark ang isang bahagi ng kanyang buhay na matagal niyang itinago sa publiko. Ayon pa sa kwento, dalawang beses raw bumigay sa temptasyon ang singer at ang kaibigan na naging intimate sa isa’t isa. Nalaman raw ng gilfriend ng guy friend ang nangyari sa kanila kaya ito hiniwalayan at naging malaking isyu pa sa showbiz circles. Walang binanggit na mga pangalan si Mark ngunit marami nang espekulasyon sa katauhan ng kaibigang tinutukoy niya.

Facebook Comments