PASADA IPAPARALISA │Grupong PISTON, ikinakasa na ang malawakang kilos protesta sa Lunes

Manila, Philippines – Nagbanta ang grupong PISTON na ipaparalisa nila ang pasada sa darating na Lunes at Martes December 4 at 5 kapag ipagtuloy pa rin ng gobyerno ang phase out ng PUJ sa bansa.

Sa ginanap na presscon ng PISTON sa NPC sinabi ni National Piston President George San Mateo ang dalawang araw na kilos protesta ay bilang tugon umano ng mga drayber at operator sa giit ni pangulong Duterte at DOT’r na ipatupad ang proyektong jeepney phase out.

Paliwanag ni San Mateo hindi sila tutol sa modernisasyon ang kanilang pinalagan ay pagnenegosyo ng malaking korporasyon na idinadaan sa modernization program ng Duterte Administration dahil malaking dakok umano ito sa publiko at sa ordinaryong drayber.


Susuportahan ng militanteng grupong KMU at Gabriela ang malawakang tigil pasada ng grupong PISTON sa darating na Lunes at Martes.

Facebook Comments