Manila, Philippines – Sa botong labing anim na pabor – lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang joint resolution sa pagpapalawig ng bisa ng 2018 national budget.
Layon nitong i-extend hanggang December 31, 2019 ang hindi nagamit ngayong taon na budget ng gobyerno para sa Maintenance and Other Operating Expenses o (MOOE) at Capital Outlays (CO).
Sa plenary session – ipinaliwanag dito na kailangan ang nasabing mga pondo para sa mga priority project ng gobyerno at para sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.
Kabilang din sa mga paggamitan ng pondo ang maintenance, contruction, repair at rehabilitation ng mga eskwelahan, hospital, kalsada, tulay at iba pang pasilidad ng gobyerno.
Facebook Comments