PASADO NA | Otomatikong pagbubukas ng mga headlight sa mga motorsiklo, lusot na sa pinal na pagbasa sa Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagtatakda ng ‘automatic headlights on system’ para sa lahat ng motorsiklo.

Sa botong 215 Yes at 0 No ay naaprubahan ang House Bill 8322 o ang otomatikong pagbubukas ng mga headlights ng mga motorsiklo.

Layunin ng panukala na mabawasan ang mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorcycle riders.


Sa oras na maging ganap na batas, lahat ng mga motorsiklo ay dapat mayroong automatic ‘headlights on system’ kung saan tuluy-tuloy na nakailaw ang mga headlights ng mga motor, araw man o gabi basta nakaandar ang mga ito.

Dahil dito, hindi na maaaring ibenta o angkatin ang mga motorsiklo na walang automatic headlights on system kapag ipinatupad na ng pamahalaan.

Ang mga lalabag dito na motorcycle rider ay pagmumultahin ng libu-libong piso habang ang mga manufacturers na hindi naman susunod ay kakanselahin ang kanilang license to operate bukod pa sa multa.

Facebook Comments