PASADO NA | Tax amnesty bill, aprubado na sa huling pagbasa

Manila, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang Tax Amnesty Bill sa Kamara.

Sa botong 213-Yes at 7-No ay aprubado na sa final reading ang panukalang magpapadali sa proseso para sa pagbabayad ng buwis ng mga taxpayers.

Sakop ng tax amnesty ang mga hindi nabayarang buwis na ipinataw ng gobyerno sa taong 2017 at mga naunang taon.


Ang taxpayer na gustong makapag-avail ng amnesty ay kailangan lamang magbayad ng 8% ng kanilang networth.

Tinatayang aabot sa P114 Billion ang kikitain sa buwis ng gobyerno sa tax amnesty.

Mareresolba din ang backlog sa tax delinquency cases at mapapaluwag ang dockets ng Bureau of Internal Revenue, Regional Trial Courts, Court of Appeals at maging ng Korte Suprema.

Facebook Comments