Manila, Philippines – Pasado na sa House Committee on Legislative Franchises ang paglilipat ng prangkisa ng Mindanao Islamic Telephone Incorporated o Mislatel.
Kanina sa ikalawang araw ng pagdinig ng komite ay ipinaharap ang kinatawan ng DIGIPHIL na nagsampa ng kaso sa Mislatel dahil sa unilateral na pagkalas sa kontratang pinasok nito.
Sa pagharap ng abogado ng DIGIPHIL na si Atty. Dennis Manalo at nagbabala na maaaring mauwi sa banggaan ng lehislatura at hudikatura ang kasong isinampa ng DIGIPHIL laban sa Mislatel na kasalukuyang dinidinig sa Pasig RTC.
Hindi naman na pinatagal ng komite ang diskusyon sa pagitan ng DIGIPHIL at Mislatel at nagmosyon si Marikina Rep. Miro Quimbo na ipasa na sa komite ang panukalang batas.
Wala naman ng kumontra sa mosyon ng kongresista at tuluyang naipasa ang transfer ng franchise sa Mislatel.
Agad namang ibababa ito sa plenaryo para desisyunan kung tuluyang kakatigan ng Kamara ang paglilipat ng ownership ng Mislatel upang maging consortium na isa sa mga itinatakda upang maging third telco.
Nangako ang Mislatel na gagawing 27 megabites per second ang internet speed sa bansa sa unang taon at aakyat sa 55 MBPS pagsapit ng ikalawa hanggang ikalimang taon.