PASAHE | Ilang jeepney operator, planong kasuhan ang DOTr, LTFRB

Manila, Philippines – Plano ng grupo ng mga jeepney operator na kasuhan sa Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng DOTr at LTFRB dahil sa umano ay hindi pagsunod sa proseso ng pagbabawas sa pasahe.

Ayon kay Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) President Efren De Luna, kinakailangan pang isailalim sa hearing ang galaw-presyo bago maglabas ng kautusan ukol dito.

Dapat din aniyang maging epektibo ito 15 araw matapos ilabas ang kautusan.


Nanawagan naman si Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Zeny Maranan na magbitiw na sa puwesto si LTFRB Chairman Martin Delgra kasunod ng kaguluhan sa sistema nito.

Facebook Comments