Mananatili muna sa siyam na piso ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeepney sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ito ay kasunod ng pagdinig ng Land Transportation and Regulatory Franchising Board (LTFRB) sa petisyon ng Pasang Masda na ibalik sa ₱10 ang minimum na pasahe.
Dumalo sa pagdinig si LTFRB Chairman Martin Delgra III kasama ang buong board members nito.
Pinagsusumite naman ng LTFRB ang One Utak, Pasang Masda, AKTO at ALTO DAP ng dagdag na dokumento para bigyang katwiran ang hiling nitong gawing ₱15 ang minimum na pasahe sa jeep.
Mayroong consolidated o pinagsama-samang petisyon ang naturang grupo para sa hiling.
Samantala, itinakda naman ang susunod na usapin sa Marso 22 para sa mga dagdag na dokumento ng mga petitioner ng dagdag pasahe.