Oplan Baklas ng COMELEC, pansamantalang pinatitigil ng Korte Suprema

121

Naglabas ang Supreme Court ng temporary restraining order o ang pansamantalang pagpapatigil sa Oplan Baklas ng Comelec.

Partikular ang pagbabaklas o pagkumpiska ng poll body sa election materials ng mga kandidato.

Partikular na respondents sa nasabing petisyon ang supporters ni presidential aspirant Leni Robredo ang COMELEC at COMELEC Spokesman Director James Arthur Jimenez.


Inihirit din ng mga petitioner sa SC na atasan ang Comelec na isauli o ibalik sa mga may-ari ng pinagbabaklas na tarpaulin.

Bukod sa St. Anthony College, tumatayong ding petitioner sa kaso sina Dr. Pilita De Jesus Liceralde, isa sa mga convenor ng Isabela for Leni at Dr. Anton Mari Hao Lim, Convener naman ng Zamboangeños for Leni.

Binigyan din ng Korte Suprema ang respondents ng sampung araw para magkomento sa petisyon.



February 17, 2022 nang simulan ng Comelec ang kanilang nationwide campaign na Oplan Baklas laban sa mga oversized posters at mga campaign paraphernalia na wala sa itinakdang common poster areas.

Facebook Comments