Pasahero ng eroplano, nakagat ng scorpion habang nasa biyahe

9579

Nakagat ng scorpion ang isang babaeng pasahero ng United Airlines na biyahe mula San Francisco patungong Atlanta.

Nakaramdam ng kirot sa binti ang hindi pinangalanang babae habang bumibiyahe noong Huwebes ng umaga, Disyembre 5.


Nang hindi na natiis ang sakit, nagtungong palikuran ang babae Kung saan nadiskubre niya ang scorpion na nahulog mula sa kanyang pantalon.

Agad kumonsulta ang crew ng eroplano sa physician na nagbigay ng patnubay sa insidente, ayon sa pahayag ng airline sa TMZ.

Paglapag sa Atlanta, inasikaso ng paramedics ang babae bago inilipat sa ospital.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang airline para siguruhin ang lagay ng pasahero.

Facebook Comments

From Advertisers